Tuesday, June 2, 2015

1 Juan

[partial transcript] Mayroon po kasi akong dating ka churchmate sa Bambang IEMELIF Church, si Ate Noemi ang tawag namin sa kanya. Hindi ko po sya makakalimutan dahil po sya po ang aming organista noong panahon na yun. Nagkaroon kasi ng grupo ang mga dating Kabataan sa Bambang at nagkaka usap usap kami doon. Ang totoo po ay wala akong nakahandang mensahe sa araw na ito, pero po yung sinasabi ko po sa inyong kasama ko dati sa Church, nag simula po sya ng "challenge" na basahin ang 1 Juan. Marami po akong natutunan sa binagay nyang chapter na yun at naisipan ko pong dun kuhanin ang mensahe. Maganda ang laman ng 1 Juan, at yung unang 4 na bersikulo ang nagkaroon ng malaking pagbabago sa akin noong nagsisimula pa lamang akong bumalik o maglingkod sa ating Panginoon. Ito po ang nilalaman ng unang apat na talata...

1. Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay (Word of life);

2. (At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);

3. Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:

4. At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos.

Ang unang kapansin pansin sa 1 Sulat ni Juan, siya ay nagsasalita sa paningin ng isang Israelita. Nakita ni Juan (at iba pa nyang kababayan) ang Panginoong Hesus ng harapan sa pisikal niyang anyo. Ang kaibahan lamang ay, si Juan ay kasakasama na ng Panginoon magmula nang sya ay unang mag ministeryo (Matt. 4:8), ang Apostol na nakahilig sa dibdib at iniibig (John 13:23), sa pagbabagong anyo (Mateo 17:1), sa halamanan ng Gethsemane (Mateo 26:37), ang kaisa-isang apostol na malapit kay Hesus noong siya ay nakapako sa Krus (Jn 19:2-27), ang unang Apostol na nagpunta sa libingang wala ng laman (Jn 20:4-5) at naging kasakasama rin namuno sa unang Iglesia na kasama ni Pedro (Gawa 3:1; 4:19; 8:14 at Gal. 2:9). Pansinin natin ang pagkakahawig ng 1 Sulat ni Juan sa kanyang sulat sa Ebanghelyo (Jn chapter 1).

1. Nang pasimula siya ang Verbo (salita), at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.

Ang translation na 'verbo' o 'salita' (action word) ay naisalin buhat sa salitang Griego na 'Logos', ito po ay walang katumbas na salita sa wikang Ingles. Pero kung pagbabasihan ang prinsipyo ni Juan at ni Santiago, 'ang pananampalataya na walang gawa ay baog', pinakikita na ang salita ng Dios ay may kaakibat patotoo sapagka't ito ay salita na buhay (o salita ng buhay) at ito ay may kakayahan na patunayan ang kanyang sinasabi hindi sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga bersikulo sa Bibliya kundi pananampalataya at sa patotoo ng Spiritu Santo sa ating pang araw-araw na buhay.

Hindi ako nabuhay sa panahon ng Panginoong Hesus na kagaya ni Juan, at lalong hindi ako Israel na nabuhay noong panahon ng Lumang Tipan. Papaano ko aangkinin ang Bibliya kung tinuturing ako nung Jesus na aso ? (Matt. 15:26). Pano ko mapapahalagahan ung mga sinasabi ni Juan gayong hindi ako makabangon sa karamdaman ko ? Pano ako maniniwalang may Dios gayong nung mga panahon na yun ay wala akong makain ? (Naistranded sa KSA ang tatay ko). Bakit ang Dios ang sarap ng buhay sa itaas ng trono nya habang pinanonood nya ako na ni walang pambayad ng matrikula ? At dumating ang panahon ng dahil sa hindi pagkakakilala ay minumura ko ang Dios. At sa sobrang galit, itinapon ko ang Bibliya ko sa ilog na may nakasulat na 'No revenue'.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makasalamuha ang mga taong marurunong sa Bibliya. Nagkaroon din naman ako ng mga guro na well-versed sa lahat ng salita na nakasulat. At totoo namang hindi mo sila kayang paikutin sa mga nakasulat sa Bibliya. Pero kung ang salita na nababasa mo o naririnig mo ay hindi mo kayang patunayan, pano ko maniniwala sayo ? Oo, masaya tayo kapag nakakarinig tayo ng Salita na galing sa Banal na Kasulatan. Pero minsan naniniwala na lang ang tao sa Dios dahil kinalakihan na nila, o pinalaki ng mga kaanak, magulang na relihiyoso. At itinuturing na malaking pagkakamali ang tanungin mo kung totoong mayroon nga bang Dios. Marami na kong kakilalang Pastor, Pari, Obispo, Ministro at mga Mananampalataya na naging Ateista. Bakit ? Hindi nila nararanasan yung sinasabi o naririnig nila, hanggang sa magkaroon ng kaisipan na "mayroon akong imaginary friend", "di naman totoo yan eh", "mayroon ba talagang Dios ?", "sigurado bang ligtas ako ?".

Walang pakinabang sakin malaman ko man ang salitang Griyego o Hebreo. Walang pakinabang sakin malaman ko man kung ilan ang pakpak ng mga Anghel. Walang pakinabang sakin malaman ko man na nadiskubre na kung nasaan ang arko ni Noeh. Walang pakinabang sakin malaman ko man kung nakakuha na ng sulat na sinulat ni Pilato. Walang pakinabang sakin matagpuan man ung pinaglibingan or pinagpakuan dun sa Hesus. Walang pakinabang sakin makabisado ko man ang Bibliya cover to cover. Ang gusto kong makita, pano ko makikinabang sa Salita ng Dios ? Di ba't ang sabi ng Dios ang pakinabang sa kanya ay higit kaysa ginto ? Di ba't sinabi ng Dios na ang bunga nya higit kaysa piling pilak ?

Minsan, nadalaw ako sa bahay ng aking amain, si Ptr. Carlos Liwanag, at mayroon akong nakitang babasahin na may pamagat na "Statement Of Faith" na isinulat ni Dr. Morris Cerullo. Dahil nakakalat lang sa sofa, naisipan kong hingin na lang. Ngumiti sa sakin at sinabing "pambata yang babasahin na yan", at sumagot ako "lalong mabuti kung makakabalik ako sa pagkabata". Ang sentro ng sulatin ay tungkol sa Deut. 6:16.

16. Huwag ninyong tutuksuhin ('Nacah') ang Panginoon ninyong Dios, gaya ng tuksuhin ninyo siya sa Massah.

Ang salitang 'Nacah' ay isang di katanggap tanggap na pagsubok sa kapangyarihan ng Dios, may halo itong pagdududa at panunuya. (Ihambing sa Malakias 3:10, "..subukan ('bachan') ninyo ako ngayon.."). Ilang beses na nakita nila na hiniya ang Dios ang dios ang Egypto[MAARING MABASA DITO]. At narito, nagduda at nanuya ang ang Israel dahil walang mainom at makain.

Ang sabi ni Dr. Cerullo (at nagsasalita sya sa punto ng isang bata sa pananampalataya), ang pananampalataya at kahalintulad ng titulo ng lupa. Mayroon itong pangalan mo, at walang makaka angkin nito sayo (kahit ang Lucifer). Ang sbi nya, isulat mo sa titulo (may naka print na "titulo" sa ibaba ng babasahin) sa gusto mo sa Dios at mangyayari. Parang katuwaan lang, di ko sinisiryoso, sinulat ko dun na "I want my father home by tommorow". Syempre, impossible mapauwi ang tatay ko dahil ang contract ay 2 years, kaso nga lang di sila pinasasahod. Araw yun ng Miyerkules. Nang huwebes, pagkagaling ko sa bahay ng pinsan ko, nagulat ako, ang daming laman ng ref, at maingay sa itaas namin. Nang umakyat ako, nagulat ako dahil andun ang tatay ko galing Saudi, pinauwi daw sila. At duon ako unang natuwa sa Dios. Pero dahil may duda pa rin, baka nagkataon lang. Naglagay na naman ako ng request, nilagay ko dun na "I want a scholarship" para makabalik sa school. Ayun, after a day, sumulat sakin ang UE, approved na daw ang scholarship ko. At dun po ako nagsimula na maglingkod sa Dios na Buhay.

Tandaan natin ang sabi ni Juan, ang Salita Ng Dios ay buhay, may kakayahan itong patunayan ang kanyang sinasabi.